Nakauwi na sa bansa mula Syria ang 22 Filipino nationals na umano’y biktima ng human trafficking at illegal recruitment.
Ayon sa Philippine Embassy sa Damascus, bago pinayagang makauwi ang ating mga kababayan ay nagkaroon muna ito ng mahaba-habang diplomatikong negosasyon sa Syrian government.
Nabatid na nasampahan na rin ng kaukulang kaso ang mga recruiters at human traffickers.