Naitala ang 761 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa datos na inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 15,850 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa higit 80 mga bansa.
Sa naturang bilang, 5,274 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling sa mga pagamutan.
Lumobo naman ang bilang ng mga nakarekober sa virus na nasa 9,535 na matapos na maitala ang 10 mga bagong gumaling sa COVID-19.
Sa kaparehong datos, dalawa naman ang naitalang nasawing Pilipino sa ibayong dagat dahilan para umakyat ang bilang nito sa 1,040.