39 ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na gumaling mula sa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito sa Department of Foreign Affairs (DFA) kayat pumapalo na sa 2,205 ang OVERSEAS Pinoys na naka recover na sa nakakahawang sakit.
Pumapalo naman sa 5,259 mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pinoy mula sa 49 na bansa at rehiyon kung saan 2,700 ay patuloy na nagpapagamot sa ibat ibang ospital.
Samantala pito ang pinakahuling bilang ng mga Pilipinong nasawi sa COVID-19 kayat nasa 354 na ang kabuuang death toll.
Pinakamarami pa ring naitalang conformed COVID-19 positive na Overseas Pinoys ay sa bahagi ng Middle East/Africa – 3, 274 , Europe -834 cases, Americas – 656 cases at Asia Pacific Region – 495
Samantala walang Pilipinong infected ng COVID-19 sa India na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso sa Asya.
Sinabi ni Ambassador Ramon Bagatsing, Jr. Na ang mga Pilipino sa India ay hindi naman talaga lumalabas, hindi pala ikot at sumusunod sa mga patakaran na ipinag u utos ng indian government.