Inaasahang makababalik na sa bansa sa Sabado, ika-8 ng Pebrero, ang unang batch ng mga Pilipinong inilikas mula sa China.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mula sa Clark Airport kung saan lalapag ang mga nasabing Pinoy –dadalhin ang mga ito sa Fort Magsaysay sa Laur, Nueva Ecija para sumailalim sa 14-day mandatory quarantine.
Sinabi ni Panelo na inatasan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) para ihanda ang Fort Magsaysay.