Dumating na sa Pilipinas ang nasa 30 Pilipino na inilikas mula sa Wuhan, China ngayong umaga ng Linggo, ika-9 ng Pebrero —dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) outbreak sa China.
BREAKING: Eroplanong sinasakyan ng mga repatriated OFW mula sa Wuhan, China, lumapag na sa Clark International Airport, ayon sa @DFAPHL https://t.co/NsnQi9EBsS
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 8, 2020
Bago mag-alas-7 ng umaga ay lumapag ang Royal Air plane, eroplanong sinasakyan ng mga naturang Pinoy, sa Clark sa Pampanga.
Didiretso naman ang mga ito sa Haribon Hangar ng Philippine Air Force at hindi dadaan sa terminal ng Clark International Airport.
Matatandaan na pumalo na sa mahigit 800 katao na ang binawian ng buhay dahil sa 2019 nCoV-ARD at mahigit 34,000 na iba pa ang dinapuan nito, matapos ianunsyo ang virus outbreak sa Wuhan City, China noong nakalipas na buwan.