Nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong kasama sana sa repatriation mula Wuhan City sa China.
Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos na last minute magbackout ang ilang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na sinundo ng repatriation team pabalik ng Pilipinas.
Mula kasi sa 56 na unang inanunsyo ng DFA, 30 Pilipino na lamang ang bumalik sa bansa mula Wuhan City kaninang umaga.
Paliwanag ng DFA, kagabi bago umalis ang eroplano ng Royal Air sa Wuhan Tianhe International Airport, nasa 26 na mga Pilipino pa lamang ang naroroon sa nabanggit na paliparan at may hinihintay na 10 iba pa.
Gayunman, 30 na lamang anila ang tuluyang nagpasiya na bumalik ng Pilipinas.
Wala namang binanggit ang DFA na dahilan kung bakit nagback out ang iba pang mga ililikas sanang mga Pilipino sa Wuhan City.
Basahin ang kaugnay na balita: Mga Pinoy na inilikas mula China nasa New Clark City na