Umabot sa apatnapu’t apat (44) na porsyento ng mga Pinoy ang kinukunsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap.
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations para sa huling bahagi ng 2016 kung saan ay katumbas ito ng sampung (10) milyong pamilya.
Lumalabas na mas mataas ito ng dalawang (2) porsyento kumpara sa naitalang apatnapu’t dalawang (42) porsyento noong ikatlong bahagi ng 2016 na katumbas ng siyam punto apat (9.4) na milyong Pilipino na nagsabing sila ay mahirap.
Gayunpaman, iniulat ng SWS na mas mababa pa rin ang bilang ng mga Pinoy na nagsabing sila ay mahirap batay sa annual rate na nasa apatnapu’t apat (44) na porsyento para sa taong 2016.
Mas mababa ito kung ikukumpara sa average self-rated poverty rate na 52 percent noong 2014 at 47 percent noong 1987.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Disyembre 3 hanggang 6.
By Ralph Obina