Aabot sa record-high na 550,000 Overseas Filipino Voters ang bumoto sa Halalan 2022.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mataas na bilang ng mga lumahok sa Overseas Absentee Voting sa mga nakalipas na eleksyon.
Ayon kay Department of Foreign Affairs-Overseas Voting Secretariat, Director Zoilo Velasco, ang nasabing bilang ay 33 percent ng 1.7 million registered overseas voters.
Mataas anya ang voter turnout ngayong Halalan 2022 kumpara sa 2016 Elections kaya’t tagumpay ang Overseas Absentee Voting noong Abril 10 hanggang Mayo 9.
Aabot lamang sa 432,000 ang lumahok sa Overseas Absentee Voting noong 2016 Polls o 31.45% ng 1.38 million registered overseas voters noong panahong iyon, batay sa datos ng DFA.
Kabilang sa may pinakamataas na bilang ng mga botante ay mula sa Hong Kong, Singapore, Dubai at Abu Dhabi sa UAE, Riyadh sa Saudi Arabia at San Francisco, USA.