Tiwala ang Department of Health (DOH) na walang nangyaring contamination o pagkahawa sa pagbaba ng eroplano ng mga Pilipinong inilikas mula Wuhan City sa China, ang ground zero ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD).
Ayon kay Health Undersecretary Gerardo Bayugo, kanilang tiniyak na mahigpit na nasunod at naipatupad ang kanilang plano.
Sinabi ni Bayugo, maayos ang naging proseso ng deplaning o pagbaba sa eroplano ng mga balik bansa ng mga Pilipino.
Dagdag pa ng opisyal, wala sa mga inilikas na Pilipino ang naging symtomatics o nagkaroon ng sakit habang nasa paliparan sa Wuhan hanggang makasakay sa eroplano, batay na rin sa nakuha nilang report.
Mag-aalas siyete ng umaga ngayong Linggo, Pebrero 9, nang lumapag sa Clark Air Base ang eroplano ng Royal Air lulan ang 30 mga Pilipinong nagpasiyan bumalik ng Pilipinas mula Wuhan City.