Obligado nang magsuot ng face mask ang lahat ng mga Pinoy na magtutungo sa Embahada ng Pilipinas sa South Korea.
Ito’y dahil sa pagtaas ng kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa naturang bansa.
Ayon sa embahada, ang pagsusuot ng face mask ay bilang pag-iingat sa kalusugan ng bawat nagtutungo sa kanila at kumukuha ng serbisyo.
Samantala, inanunsyo rin ng embahada na simula ngayong araw, Miyerkules, ika-26 ng Pebrero, ay iiklian na ang oras ng operasyon ng embahada –magsisimula ito ng alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.