Dumami ang mga Pilipinong may ipon sa bangko.
Ito ay batay sa Global Index Database 2017 ng World Bank kung saan nasa 34.5 percent ng mga Pilipino na may edad labing lima (15) at pataas ang may formal bank account.
Mas mataas ito ng 3.2 percent na naitala noong 2014 nang unang isagawa ang pag-aaral.
Ang formal account ay tumutukoy sa mga pera o ipon na nakalagak sa mga financial institution tulad ng bangko, kooperatiba at microfinance institutions, kabilang na ang electronic money accounts.
—-