Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong may positibong pananaw sa buhay noong ikalawang quarter ng taong 2016, base sa Social Weather Station survey.
Sa June 24-25 SWS survey, 49 percent ng mga Filipino adult sa buong bansa ang naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na taon, habang tatlong porsyento lamang ang hindi naniniwala.
Dahil dito, nakapagtala ang SWS ng plus 46 o “very high” na net optimism rate.
Samantala, 60 porsyento ng mga Pinoy adult ang umaasang mas magiging maayos ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon habang 4 na porsyento lamang ang nagsabing hindi.
Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents a Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao, isang linggo matapos manumpa sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte.
By Drew Nacino