Mahigit kalahati ng mga Filipino ang umaasang makarerekober ang ekonomiya sa susunod na 12 taon.
Batay sa Social Weather Station (SWS) survey, 51% ng adult Filipinos ang naniniwalang gaganda ang ekonomiya, 30% ang nagsabing walang magbabago habang 7% ang nagsabing lalala pa.
Isinagawa ang fourth quarter 2021 SWS Net Economic Optimism Survey noong December 12 hanggang 16, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 Filipino adults sa bansa.
Pinaka-mataas ang naitalang Net Economic Optimism sa balance Luzon, na may +52; na sinundan ng Metro Manila, na may +47; Mindanao, +46 at Visayas, +19.