Umapela sa pamahalaan ang mahigit sa 100 Pilipino na na-stranded sa airport ng Macau na magpadala ng special flight para makauwi sila sa Pilipinas.
Inabutan ang mga Pilipinong nagbabakasyon lamang sa Macau ng travel ban dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sa nilagdaan nilang petisyon na ipinadala sa Philippine Consulate sa Macau, nagpahayag ng kahandaan ang mga Pinoy na akuin ang bayad sa chartered flight na maaaring makapag-uwi sa kanila sa Pilipinas.
Una nang sinabi ng Department of Health (doh) na pinag-uusapan na nila kung dapat nang tanggalin ang travel ban sa Macau at maging sa Hong Kong.