Magpapadala ang embahada ng Pilipinas ng isang team para tingnan ang kalagayan ng mga Pilipinong apektado ng hurricane Irma sa British Virgin Islands.
Ayon kay Embassy Charge d’ Affairs Patrick Chuasoto, magdadala ng mga tauhan ang embahada para tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipinong apektado ng bagyo at aayusin ang repatriation ng mga nagnanais na umuwi sa Pilipinas.
Tinukoy ni Chuasoto na walang naitalang nasawing Pilipino sa pananalasa ng bagyo ngunit marami ang apektado pa rin ng kawalan ng kuryente, pagkaubos ng suplay ng pagkain, nasirang mga ari-arian at pagkawala ng mga importanteng papeles tulad ng passport.
Patuloy ang ginagawang pagmomonitor ng embahada sa hurricane Irma na bagama’t na-downgrade na sa category 4 ay posibleng muling lumakas habang kumikilos ito patungo sa Florida, Georgia at South Carolina.
—-