Pumalo na sa higit 5.9 milyong indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) at National Task Force against COVID-19, kabuuang 5,965,651 na ang naturukan ng bakuna laban sa virus.
4,421,319 naman ang nabigyan na ng unang dose ng bakuna at 1,544,332 ang nakatanggap naman ng ikalawang dose ng bakuna.
Mababatid na nasa 112,621 naman ang naitatalang average daily vaccinated individuals sa nakalipas na isang linggo.
Kasunod nito, nanawagan ang pamahalaan sa mga indibidwal na kabilang sa A1 hanggang A3 priority group na magpaturok na ng bakuna kontra COVID-19.