Natapyasan ng dalawang puntos ang mga adult Filipinos na nagsasabing bumuti ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS survey, bumaba ito sa +11 sa 3rd quarter mula sa dating +13 noong second quarter ng 2019.
Isinagawa ang survey mula September 27 hanggang 30 ng taong kasalukuyan.
Ayon sa SWS, 36% ng mga adult Filipinos ang naniniwalang guminhawa ang kanilang buhay at 25% naman ang nagsasabing mas hirap daw ang kanilang buhay sa huling 12 buwan.
Lumalabas din sa survey na bumaba rin ng tig-isang porsyento ang net “personal optimists” at “economic optimists” ng mga Pilipino.