Bahagyang bumaba ang bilang ng mga pamilyang Filipino na ikinukonsidera ang kanilang sarili na mahirap.
Batay sa September 12 hanggang 16 Social Weather Stations survey, 45% ng pamilyang Pinoy ang nagsabing sila ay mahirap kumpara sa 48% noong Hunyo.
Lumabas din sa survey na 34% ng mga pamilya ang ikinukonsidera ang kanilang sarili bilang “borderline poor” habang 21% ang nagsabing hindi sila mahirap.
Bumaba ang self-rated poor sa Visayas at bahagyang bumaba sa Metro Manila habang hindi gumalaw ang bilang sa balance Luzon, pero tumaas naman sa Mindanao.
Tinaya ng SWS sa 11 million ang mahirap na pamilya noong Setyembre, kabilang ang 1.7 million na bagong mahirap, 1.2 million na bahagyang mahirap at 8.2 million na mahirap na sa simula pa lang. —mula sa panulat ni Drew Nacino