Bumaba ng isang porsyento ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagsasabing mahirap sila.
Ayon sa resulta ng survey ng SWS o Social Weather Stations, 42 porsyento o tinatayang 9.4 million Pinoy families ang itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mahirap.
Sinabi ng SWS na ang nasabing September 2016 survey ay maituturing na fresh record low mula sa 43% mula March 2010 at March 1987.
Samantala, 30 porsyento o tinatayang 6.7 million families ang kinukunsidera ang kanilang mga sarili bilang food poor at itinuturing ang kanilang kinakain na pagkaing mahirap.
Ang survey ay isinagawa mula September 24 hanggang 27 sa 1, 200 respondents.
By Judith Larino
Photo Credit: EPA