Ipaprayoridad ng United Kingdom na mabigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga nakatatanda, health care staff, at mga residente nitong itinuturing na ‘clinically extremely vulnerable’ o ‘yung mga madaling dapuan ng COVID-19.
Mababatid na nitong Miyerkules na inaprubahan na ng UK ang bakunang gawa ng Pfizer-Biontech para masimulan nang gamitin sa susunod na linggo.
Kabilang sa mga mababakunahan ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga healthcare facilities.
Hati ang opinyon dito ng ilang mga makakatanggap ng bakuna.
Ang ilan ay masaya habang ang iba naman ay may agam-agam kung ligtas nga ba ang ibibigay sa kanilang bakuna kontra COVID-19.
Nauna rito, ipinagmalaki ng Pfizer-Biontech at Moderna na syamnapung porsyento ang bisa ng kani-kanilang bakuna.