Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagtitiwala sa China at Estados Unidos.
Ito’y batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) noong ika-3 hanggang ika-6 ng Hulyo kung saan lumabas na 58% ng mga Pinoy ang mayroong kaunting tiwala sa China.
Nasa 22% naman ang nagsabing mayroon silang tiwala habang lumabas ang negative 36 net na “bad” trust rating.
Bumaba ang net trust rating sa siyam na puntos mula sa “poor” o negative 27 na naitala noong Disyembre ng taong 2019.
Nakakuha ng pinakamataas na net trust rating ang China noong Hunyo ng taong 2010 na mayroong “moderate” o positive 17.
Samantala, nakakuha naman ng “good” ang Estados Unido na mayroong positive 42 – bumaba ito mula sa “very good” o positive 67 na naitala noong Disyembre ng taong 2019.