Lalo pang lumala ang gutom sa Pilipinas sa nagdaang tatlong buwan.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), tinatayang mahigit sa 5-milyong Pilipino ang nakaranas ng gutom o walang makain sa nagdaang tatlong buwan.
Batay sa SWS survey, 20.9% ng mga Pilipino ang minsan nang nakaranas na walang makain; mahigit 15% dito ang nakaranas ng “moderate hunger”, samantalang inilarawan ng mahigit sa 5% na “severe hunger” ang kanilang naranasan.
Pinakamataas na insidente ng gutom ang naitala sa Visayas at Mindanao, lalo na sa mga kabahayan na hindi nakapagtapos ng kahit elementarya lamang ang mga respondents.
Isinagawa ang survey sa may 1,555 adult Filipinos sa pamamagitan ng mobile phone at computer assisted telephone interview.