Halos 84% ng mga Pilipino ang naniniwalang malaki ang naitulong o sagot kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) transmission ang pagkakasa ng lockdown.
Ayon ito sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) mula May 4 hanggang 10 kung saan lumalabas ding 15% ang naniniwalang ang stay at home measures dahil sa COVID-19 ay pasakip sa mga tao at ang isang porsyento naman ay naniniwalang mahalaga ang nasabing hakbangin para ma protektahan ang mga ito subalit pabigat din ito sa mga tao.
Ayon sa SWS nasa 84% ng mga nasa Metro Manila, Balance Luzon at Visayas ang mga naniniwalang may positibong epekto ang lockdown policy kumpara sa 81% sa Mindanao.
Samantala mahigit 80% ng mga Pilipino ang aprubado ang stay at home measure sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa 84% at general community quarantine (GCQ) sa 83%.
Pinakamataas na bilang ng mga pumabor sa stay at home protocol ay mga college graduates na nasa 88% at sinundan ng high school graduates sa 83%.
Ang nasabing SWS survey ay isinagawa gamit ang mobile phone at computer assisted telephone interviewing ng mahigit 4,000 working age Pinoys na may edad 15 pataas sa buong bansa.