Nabawasan pa ang mga Pinoy na ikinukonsidera ang kanilang sarili na mahirap sa nakalipas na 3 buwan, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa nitong Marso 30 hanggang Abril 2.
Batay sa resulta ng SWS survey, 46 percent sa 1,200 respondents ang nagsabing mahirap sila, o katumbas ng 10.5 milyong pamilya.
Ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa inilabas na survey noong Disyembre 2015 kung saan lumitaw na 50 percent o 11.2 milyong pamilya ang nagsabing mahirap sila.
Disyembre 2011 nang maitala ang pinakamababang bilang ng mga respondent na nagsabing mahirap sila na umabot sa 45 porsyento.
By Mariboy Ysibido