Isa pang Pilipino abroad ang gumaling mula sa COVID-19, dahilan upang umakyat na sa 8,342 ang total recovery ng mga Pilipinong nahawaan ng virus sa ibayong dagat.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 12,828 ang kabuuang bilang ng mga kababayan nating dinapuan ng COVID-19 sa abroad, habang nananatili naman sa 911 ang death toll.
Samantala, nasa 3,575 cases naman ang patuloy na nilalapatan ng lunas.
Base sa datos ng DFA, aabot sa 2,647 ang virus cases sa Asia and the Pacific Region at mayroong 803 patients, habang nakapagtala naman ito ng 1,823 recoveries at 21 fatalities.