Nasa apat na Filipino ang bagong napaulat na nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) umabot na sa 20,280 ang kumpirmadong positibo sa virus na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.
Sa naturang bilang, 6,969 ang patuloy na nagpapagamot, 12, 092 ang naka-recover habang wala naman ang napaulat na nasawing Filipino sa ibang bansa.
Isa naman sa pinakamaraming naitalang COVID-19 positive na OFW ay sa bahagi ng Middle East/Africa na mayroong 11, 531 na kaso.
Sinundan naman ito ng Europa na may 3,530 habang nasa 986 naman sa America at 4,233 sa Asia Pacific Region.
Samantala, tiniyak ng DFA na tututukan nila ang lagay ng mga Pinoy na nasa ibang bansa na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.