Papayagan pa ring umuwi ng Pilipinas ang mga Pilipinong nasa India at sa anim pang bansa bilang bahagi ng repatriation programs ng pamahalaan.
Ito’y ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa kabila ng travel ban na ipinatutupad laban sa mga panggagalingan nilang bansa.
Matatandaang pinalawig pa ng gobyerno hanggang Hunyo a-trenta ang travel restrictions laban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman bilang bahagi ng pag-iingat laban sa Delta COVID-19 variant na unang nadiskubre sa India.
Gayunman, ayon kay Roque, isasalang pa rin sa quarantine at testing protocols ang mga uuwing Pinoy.