Nilinaw ng Department of Health (DOH) na home quarantine ang gagawin sa mga Pinoy repatriate na mula sa Macau sa halip na gawin sa New Clark City sa Tarlac.
Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III, ito ay dahil hindi nabibilang sa high-risk area para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Macau.
Ani Duque, nasa 10 kaso lamang ng virus ang mayroon sa Macau.
Gayunman tiniyak naman umano ng Bureau of Quarantine na imomonitor ang kalagayan ng mga Pinoy repatriates kahit pa sa mga kani-kaniyang bahay ito ika-quarantine.
Aabot sa 196 na Pinoy ang uuwi sa bansa mula sa Macau dahil banta ng COVID-19.