Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas at walang nasaktan sa 11 Pinoy na sakay ng barkong binomba sa daungan na sakop ng Odessa, Ukraine.
Nabatid na dumating ang nasabing barko sa nasabing lugar kasabay ng pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Sa naging pahayag ni Yasa Jupiter, Personnel Relations Officer ng Marshall Islands-Flagged, matagumpay na nailigats ang lahat ng mga tauhan sa nasabing barko kabilang na ang mga Pinoy.
Ang nasabing pagbomba ng Russian Military ay nagdulot ng malaking pinsala sa lugar kung saan, tinamaan din ng rocket sa Ukraine ang Cargo Ship na pag-aari ng Japanese na Namura Queen na ikinasugat ng isa sa 20 Filipino crew nito. —sa panulat ni Angelica Doctolero