Nakatakda nang i-repatriate ng gobyerno ang mga Filipino na apektado ng COVID-19 surge sa Hong Kong matapos ang mga ulat na ilan sa kanila, lalo ang mga nagkasakit, ang itinaboy ng kanilang employers.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, pangungunahan ang repatriation ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Nakikipag-ugnayan na si Lorenzana sa Department of Foreign Affairs (DFA) at konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong para sa deployment ng government air assets, tulad ng mga C-130 at chartered commercial flights.
Ikinalungkot anya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinahitnan ng ilang Overseas Filipino Worker sa Hong Kong kaya’t agad nagkasa ng repatriation.
Una nang inamin ng Hong Kong authorities na hindi na kinakaya ng kanilang health care system ang sobrang dami ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 Omicron variant.