Kumokonti na ang mga Pilipinong sumusunod sa minimum health protocols tulad nang pagsusuot ng face mask at face shield at pag-obserba sa physical distancing.
Batay ito sa resulta ng tugon ng nasa survey ng OCTA Research group kung saan 67% ang sumusunod sa physical distancing na mas mababa sa 91% na nagsusuot ng face mask at 82% na naka-face shield naman.
Ayon pa sa researchers, 68% ng adult Pinoys ang regular na nag-oobserba sa physical distancing kapag may kakausapin sa labas ng kanilang mga bahay, 64% naman ang regular na nagsusuot ng face shield kapag lalabas at 89% naman ang nagsasabing palagi sila nakaface mask kapag lalabas ng bahay.
Ang survey ay isinagawa ng OCTA Research, gamit ang face-to-face interviews sa 1, 200 respondents na may edad 18 pataas.