Pinag-iingat ng embahada ng Pilipinas sa France ang mga Pilipino dahil sa tumataas na bilang ng insidente ng pagnanakaw sa naturang bansa.
Ayon sa inilabas na travel advisory ng Embahada, pinayuhan ang mga Pilipino na tutungo sa France partikular na sa Paris, na mas maging maingat.
Ito ay matapos makapagtala ng maraming insidente ng nakawan sa mga paliparan, istasyon ng tren at maging sa mga hotel.
Bukod dito ay naglabas din ang embhada ng safety guidelines at paalala sa tamang paraan pag-iingat ng mga personal at mahahalagang gamit.
Bukas naman ang kanilang linya 24 oras para sa mga pilipinong nangangailangan ng tulong.
Tumawag lamang sa kanilang emergency hotline na +33620592515.