Nangunguna ang mga Pilipino sa listahan ng illegal immigrants na ipinatapon ng bansang Malaysia pabalik ng Pilipinas mula sa Sabah.
Batay sa tala ng National Security Council ng Malaysia at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, aabot sa halos pitongpo’t dalawang libong (72,000) mga Pilipino ang napabalik ng bansa sa nakalipas na limang (5) taon.
Sumunod sa may pinakamaraming immigrants na naitala ay ang Indonesia na may dalawampung libo dalawandaan at animnapo’t apat (20,264) habang nasa halos dalawanglibo (2,000) ang nagmula sa iba pang bansa.
Sa kabuuan, sinabi ni Malaysian Security Director Datuk Rodzi MD Saad na nakapagpauwi na sila ng mahigit sa 564,000 NA illegal immigrants mula noong 1990 hanggang Enero 1 ng taong kasalukuyan.