Pumalo na sa halos 5 milyong mga Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa nagpapatuloy na epekto ng COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, batay sa naitala ng ahensya noong Disyembre 2020.
Ayon kay Bello, ang nasabing bilang ay bumaba na dahil ilan sa mga kumpanyang pansamantalang pinagpahinga ang kanilang mga tauhan dahil sa pandemya, ay kanila na ring ibinalik sa trabaho matapos ang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Kung kaya’t, nauna nang iginiit ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na mahalaga ang pagbibigay ng pamahalaan ng cash subsidy o ayuda sa mga empleyadong naapektuhan ng pandemya, para kahit papaano anila’y makatulong sa kanilang araw-araw na gastusin.