Dalawandaang Pinoy critical care nurses ang kailangan ng Saudi Arabia.
Ayon sa POEA itinakda ng Ministry of Health ng Saudi ang exam at interview para sa mga aplikante sa March 6 hanggang 10.
Sinabi ng POEA na ang makakapasang nurse ay makakatanggap ng suweldo na 4,110 Saudi Riyals o halos 55 Thousand Pesos kada buwan, libreng pagkain at accommodation at taunang bakasyon na may libreng round trip ticket.
Bukod pa ito sa taunang dagdag suweldo na nasa 295 Saudi Riyals o halos Apat na libong Piso.
Bukod sa mga nurses ipinabatid ng POEA na kailangan din ang tig sampung perfusionists, cardiac technicians, nurses for echo cardiology at nurses para sa catheterization laboratory.
By: Judith Larino