Pinapayuhan ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang mga Pilipino doon na mag-ingat laban sa heat stroke.
Kasunod ito ng inaasahang lalong pagtaas ng temperatura sa lugar.
Kaugnay nito, hinimok ang mga OFW sa Hong Kong na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang mga inuming may caffeine.
Sinabi pa ng konsulada na mainam rin na magsuot ng maluluwag at preskong damit upang maiwasan ang heat stroke.