Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hanggang kahapon, April 22, nasa 1,114 na overseas Pinoys ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 42 bansa at rehiyon.
(1/3) Of the 42 countries and regions with confirmed COVID-19 cases among Overseas Filipinos, the DFA reports a total of 30 new cases, 26 new recoveries, and 6 new deaths in the Americas, Europe, Asia and the Pacific, and Middle East/Africa as of today. pic.twitter.com/DJFzGAF7AH
— DFA Philippines (@DFAPHL) April 22, 2020
Sa naturang bilang, 660 ang patuloy na ginagamot sa mga ospital samantalang 295 naman ang naka-recover mula sa nasabing virus.
Lima naman ang nadagdag sa mga nasawing Pinoy abroad kaya’t nasa 159 na ang death toll.
Pinakamarami ang naitalang confirmed COVID-19-positive na Pinoy sa Europa na may 374 na kaso, ikalawa ang Asia Pacific Region na mayroong 299 na kaso, Middle East/Africa na may 162 na kaso at Americas na mayroon namang 279 cases.