Halos 300 pang Pilipino sa labas ng bansa ang tinamaan ng coronavirus.
Bunsod nito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat na sa 12,828 ang mga nagpositibo sa virus na Pinoy doon dahil sa 282 na bagong kaso.
Isa naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling dahilan upang pumalo na sa 8,342 ang total recoveries.
Samantala, nananatili naman sa 911 ang death toll sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat.