Hinikayat ng gobyerno ang mga Pilipino na iwasan muna ang pag byahe patungong Hong Kong.
Ito ay sa gitna pa rin ng kaguluhan na nagaganap duon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III naglabas ng advisory ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbabawal muna sa mga Pilipino na magtungo sa naturang bansa lalo na kung hindi naman importante at makapaghihintay ang gagawin duon.
Aniya, hindi ito ang magandang panahon para magbyahe at mamasyal sa Hong Kong.
Sa kabila ng kaguluhan, siniguro naman ni Bello na nanatiling ligtas ang mga Overseas Filipino Workers duon.
Lalo pang tumitindi ang mga kilos protesta na ginagawa ng mga pro-democracy protester sa mga campuses, metro stations at shopping malls sa kabila ng paghihigpit sa seguridad ng Hong Kong authorities.