Bukod sa pagiging likas na masayahin, madali ring makuntento ang mga Pilipino sa mga bagay na nangyayari sa kanyang paligid.
Ito’y ayon kay Dr. Camille Garcia, isang Psychologist, sa panayam ng DWIZ.
Paliwanag pa nito, labis rin ang pananampalataya ng mga pinoy kaya’t madali rin ang mga ito na mapasaya.
Mababatid na nakapasok ang pilipinas sa ika-animnapung pwesto ng 2022 World Happines Report, kung saan pumangalawa ito sa pinaka-masayahing bansa sa South East Asia, kasunod ng Singapore.