Walang magbabago sa ipatutupad na health protocols sa mga Pilipino abroad na naturukan na ng COVID-19 vaccine sakaling magdesisyon silang umuwi ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, batid ng pamahalaan na marami nang mga kababayan natin sa ibang bansa ang nabakunahan kontra virus kaya’t sa naging huling pag-uusap aniya ng mga miyembro ng IATF ay bumuo na aniya sila ng desisyon ukol dito.
Pahayag ni Roque, kahit pa nabigyan na ng COVID-19 vccine ang isang Pilipino na nasa abroad, hindi parin aniya sila exempted sa strict implementation ng 14 day mandatory quarantine kapag umuwi sila ng Pilipinas.
Giit ni Roque, kailangan na sundin ang paghihigpit na ipinatutupad ng pamahalaan upang masiguro na wala nang makalulusot na kaso ng new variant ng COVID-19 sa loob ng bansa.