Tatlo pang Pilipino sa ibayong dagat ang tinamaan ng COVID-19.
Bunga nito, ayon sa Department of Foreign Affairs, pumalo na sa 15,970 ang total infections sa hanay ng mga Pinoy sa labas ng bansa.
Sa nabanggit na bilang, nasa 5,232 ang mga aktibong kaso.
Samantala, nananatili naman sa 9,691 ang total recoveries habang nakapako sa 1,047 ang death toll dahil walang nadagdag sa mga nasabing bilang.