Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino sa Iraq partikular na sa Baghdad na maging maingat matapos ang ilang araw na kaguluhan sa lugar.
Ayon sa inilabas na abiso ng ahensya, pinayuhan nito ang mga Pilipino sa naturang lugar na manatili na lamang sa loob ng kani-kanilang mga bahay.
Siguraduhin din na mayroon silang sapat na tubig at pagkain sa kanilang mga lugar.
Dagdag pa ng ahensya, agad na tumawag sa Embahada ng Pilipinas sa Baghdad kung nangangailangan ng tulong.
Matatandaang nasa higit 10,000 ang Pilipinong naninirahan sa Iraq samantalang nasa higit 10,000 rin ang bilang ng mga OFW na ilegal na ipinapasok sa naturang bansa.