Pinauuwi na ng embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy sa Baghdad, Iraq.
Kasunod ito ng kaguluhan sa naturang bansa kung saan 10 ang nasawi habang halos 30 ang sugatan sa naganap na pagpapasabog sa dalawang kilalang hotel sa kapitolyo ng Iraq.
Ayon sa Charge D’affaires ng Philippine Embassy sa Baghdad na si Minister Elmo Cato, aabot sa 21 Pinoy ang nagtatrabaho sa isa sa dalawang tinarget na hotel.
Ibinalita naman ng Philippine Embassy na walang Pinoy ang kasama sa mga nasawi sa car bomb attack na naganap sa naturang lungsod.
By Ralph Obina