MAGING ang mga Pinoy sa bansang Canada ay solid ang ipinapakitang suporta sa kandidatura ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., matapos umalagwa ang numero nito sa isang social media survey kung saan ay tinambakan nang malayo si Leni Robredo.
Sa tanong ng Filipino Portal na: ‘Survey! Sino ang iboboto ng mga nasa Canada?’ malaki agad ang numerong pumabor kay Marcos.
Ang mga may gusto kay Marcos ay kailangang mag-heart, samantalang ang may gusto kay Leni ay mag-wow emoji.
Inilunsad ang naturang survey nitong nakalipas na Biyernes at matapos ang tatlong araw, 4,500 na mga Pinoy sa Canada ang sumali rito.
Ang nakuha ni Marcos ay 3,700 heart emoji o 82%; samantalang si Leni ay mayroon lamang na 567 wow emoji o 12.6%.
Sa kabuuang 4,500 ‘reactions,’ 161 dito ang nag-like, 18 ang nag-haha o laughing emoji; tatlo ang sad at apat ang care emoji.
Kahit sa komento, dagsa ang mga pumapabor kay Marcos.
Ayon kay Chellie Liwanag: “BBM Kasi kahit bata pa ako nun naalala ko pa din na safe at peaceful ang lugar. May Philippine Constabulary (PC) bawat barrio kahit maliit man na baryo. Yan na nagbabantay para sa katahimikan ng lugar. May curfew sa pagbebenta ng alak. May nutribun, trigo, Klim para sa mga public school student. I will be loyal BBM forever. Mag-isip po tayo mga kababayan ilukluk po natin un makakaahon sa kahirapan sa bansa. Baka sakali if progreso na Pilipinas kami mga OFW uuwi na sa sariling bansa…….”
“Waiting for my balota para maisulat ko na si BBM sana makarating bago mag-election,” sabi naman ni May Mission Favorito Baggas.
“BBM. Naalala ko noon, naging tahimik ang Pilipinas. Meron kaming nutribun, yung gustong-gusto kong gatas (klim) at saka disiplinado ang mga tao. Meron Masagana 99, ipinamahagi ang mga lupa para sa mahihirap (tenant) ang halaga ng dollar si ($1-7 pesos) malinis ang kapaligiran. Maraming napatayong mga hospital at mga gusali, kalsada, koryente sa malalyong lugar kaya gusto ko si BBM. BBM tayo!” sabi naman ni Lida Espanol.
“Ibalik ang dating pamumuhay na masagana ang buhay, peaceful ang paligid, walang drugs, disiplinado mga tao hindi ka matakot maglakad sa daan, etc.,” sabi ni Elma Sepacio Genson.
Matatandaang nagpakita ng puwersa ang mga Pinoy sa London, Italy at Japan sa mga sikat na pasyalan sa kanilang lugar nang mag-rally ang mga ito bilang suporta sa kandidatura ni Marcos.
Kahit saang bansa, si Marcos ang paborito ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pag-asang maiahon sa kahirapan ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.