Walang Pinoy ang nasaktan o nasugatan sa pagtama ng magnitude 7.1 na lindol sa Chile.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Santiago, ligtas namang lahat ang mga Pinoy batay sa kanilang pakikipag-unayan sa Filipino community doon.
Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs o DFA, aabot sa 305 ang bilang ng mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Chile.
Matatandaang natukoy ang sentro ng pagyanig sa 38 kilometro ng Valparaiso.
By Ralph Obina