Pinaalalahanan ng Philippine Consulate General ang mga Filipino sa Dubai na manatiling maingat.
Kasunod na rin ito ng unti-unting pagluwag ng ipinatutupad na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Restrictions sa Dubai para magbigay daan sa muling pagbubukas ng ekonomiya.
Ayon kay Consul General Paul Raymund Cortes, kinakailangan pa rin ang pag-iingat dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.
Iginiit ni Cortes, nais nilang panatilihin hindi lamang ang morale ng mga Pilipinong manggagawa sa dubai kundi maging ang kanilang kaligtasan.
Batay sa pinakahuling tala ng Philippine Consulate General, halos 40 na ang bilang ng mga Filipino sa Dubai na nasawi dahil sa COVID-19.