Halos lahat ng mga Filipino sa Hong Kong na nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nakarekober na.
Ayon kay Philippine Consul General to Hong Kong Raly Tejada, isa na lamang sa mahigit 16 ng mga Filipinong tinamaan ng COVID-19 ang nananatili pa sa ospital.
Dagdag ni Tejada, kanyang inaasahan ang paggaling na rin sa sakit ng nabanggit na Filipino sa lalong madaling panahon.
Iniuugnay naman ni Tejada ang mataas na recovery rate ng mga pasyente ng co COVID-19 sa Hong Kong sa epektibong health care system ng nabanggit na teritoryo ng China.
Bukod dito, maagap din aniya ang naging hakbang ng Hong Kong authorities para mapigalan ang lalo pang pagkalat ng virus sa kanilang lugar.