Nagmadaling sumugod sa grocery stores ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) sa Hong Kong dahil sa napaulat na posibleng ipatupad ang Citywide lockdown.
Bunsod ito ng COVID-19 surge o ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Hong Kong na sinasabing mas mataas ng 12 beses ang naitatalang mga bagong kaso ng virus.
Ayon sa ilang OFWs, nagtiyaga sila sa mahabang oras na paghihintay sa pila dahil sa dami ng mga bumibili para sa kanilang food stock.
Ang iba sa kanila ay inutusan narin ng kanilang mga employer na mag-imbak ng mga pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan.
Nabatid na ang planong lockdown sa Hong Kong ay kaugnay ng gagawing Compulsory Universal Testing na isa sa mga programa ng nasabing bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero