Ikinasa na ng health department sa Hong Kong ang serious alert matapos makapagtala ng mga kaso ng novel coronavirus.
Ito ay ayon sa konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong ay matapos makumpirma ang dalawang kaso ng nasabing virus.
Dahil dito pinapayuhan ang mga Pinoy na maging maingat para maiwasang mahawa sa sakit.
Pinayuhan ng konsulada ang mga Pinoy na palaging maglinis ng kamay gamit ang sabon at tubig, gumamit ng sanitizer at alcohol at takpan ng tissue o panyo ang ilog at bibig kapag uubo o babahing.
Dapat din anitong iwasan ng mga Pilipino ang matataong lugar sa Hong Kong at magsuot ng surgical mask.